Home METRO Regional government, isinusulong ng solon

Regional government, isinusulong ng solon

256
0

MANILA, Philippines – Sa gitna ng lumalaking populasyon at lumalalang suliranin ng trapiko, baha, polusyon at iba pa, isinusulong ni Cong. Egay Erice ang isang regional government na may sapat na pondo at kapangyarihan upang tugunan ang mga problema ng NCR.

Ang pagbuo ng House Bill No. 3584 o ang tinatawag na Metropolitan Manila Regional Administration (MMRA), saklaw nito ang mga serbisyo tulad ng Development Planning para sa maayos na pag plano at pag lago ng imprastraktura sa NCR, Transportation & Traffic Management upang gumawa ng solusyon laban sa matinding trapiko at mas maayos na biyahe, Solid Waste Management para sa malinis na kapaligiran sa pamamagitan ng tamang pamamahala ng basura.

Nakapaloob din sa panukalang batas na ito ang Flood Control & Sewerage para sa mga proyekto laban sa pagbaha at pagpapaunlad ng sistema ng kanal, Urban Renewal, Zoning, Land Use & Shelter Services, para sa pagpapaganda ng komunidad at serbisyong pabahay.

Ang Health, Sanitation & Pollution Control para naman sa kalinisan, kalusugan, at proteksyon laban sa polusyon, Public Safety & Disaster Management para sa seguridad at mabilis na pagtugon sa sakuna, at ang Public Works & Highways upang tiyaking mas ligtas at maayos ang ating mga kalsada at imprastraktura.

Ayon kay Erice, ang mga hakbanging ito ay isang epektibong pamamahala upang mabigyan ng mas maayos na kinabukasan ang bawat mamamayan ng Metro Manila. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here