Home NATIONWIDE Guinness world record sa coconut planting, nakamit ng San Pablo Laguna

Guinness world record sa coconut planting, nakamit ng San Pablo Laguna

301
0

MANILA, Philippines – Nakamit ng San Pablo City, Laguna ang bagong Guinness World Record para sa pinakamaraming tao na sabay-sabay nagtanim ng niyog sa iba’t ibang lugar.

Pinangunahan ni Mayor Najie Gapangada ang pagtatanim ng 11,000 punla ng niyog sa loob lamang ng 15 minuto sa 12 barangay, kasama ang libo-libong volunteers mula sa mga estudyante, civic groups, at kawani ng gobyerno. Ang mga punla ay mula sa City Agriculturist Office at Philippine Coconut Authority.

Kinumpirma ng Guinness adjudicator na si Swapnil Dangarikar ang rekord, na bahagi ng tatlong taong programa upang maibalik ang San Pablo bilang pangunahing prodyuser ng niyog sa bansa. Kasama rin dito ang kapalit na pagtatanim para sa 500 ektaryang lugar na gagawing industrial zone.

“Hindi lang gobyerno ang may responsibilidad sa pagtatanim ng niyog. Mahalaga ang partisipasyon ng komunidad,” ani Gapangada. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here