MANILA, Philippines – Nalubog sa baha ang ilang bahagi ng Metro Manila nitong Sabado ng hapon dahil sa malakas hanggang matinding buhos ng ulan.
Sa Quezon City, umabot sa bubong ng sasakyan ang baha sa Mother Ignacia Avenue, Barangay South Triangle. Gutter-deep flood din ang naitala malapit sa isang mall sa EDSA bandang 3:15 p.m., habang binaha rin ang ilang bahagi ng Maginhawa Street bandang 2:15 p.m.
Ayon sa PAGASA, nakaranas ng malakas na ulan, kulog, kidlat, at malalakas na hangin ang Metro Manila, partikular sa Marikina at Pasig, pasado alas-4 ng hapon. Santi Celario