Manila Philippines – Sinuri na ng House Committee on Appropriations sa pangunguna ni Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing ang may P11.848 bilyong badyet ng Commission on Elections sa 2026.
Ang panukalang pondo ng Comelec ay mas mababa ng P6.221 bilyon kumpara sa orihinal na alokasyon na P18.069 bilyon na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM).
Matapos humarap sa komite ay nag-courtesry kay House Speaker Martin Roualdez si Comelec Chairman Gerge Erwin Garcia kung saan humarap din sina Deputy Speaker at Antipolo 1st District Rep. Ronaldo “Ronnie” Puno, Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr. atd Butuan City Lone District Rep. Jose “Joboy” Aquino II.
Nauna ng nagpahayag ng kaniyang papuri si Suansing kay Garcia dahil sa matagumpay na pagdaraos ng national at local elections last May 12, 2025.
“These elections recorded an unprecedented voter turn out of 82.2 percent, the highest for a medium term election, with more than 57 million Filipinos casting their vote. The Comelec also implemented the fastest canvassing and proclamation in history, with the results confirmed to be 99.9 percent accurate. On the global stage, the Philippines was recognized as a pioneer in election automation and online voting. This underscores that Comelec’s innovations are not only improving Philippine elections but also gaining global acclaim, reinforcing the need to sustain direction through adequate budgetary support,” sinabi ni Suansing.
Sa kaniyang presentasyon ng 2026 budget ng Comelec ay inihayag ni Garcia ang mga accomplishments ng Comelec kabilang ang mataas na voter registration turnout kung saan naitala ng ahensya ang 2.48 milyong bagong botante sa loob lamang ng 10 araw simula noong August 2025 registration.
Target ng ahensya ay 1.5 milyong bagong botante ang makapagpaparehistro sa pagpapatuloy ng rehistrasyon sa October 2025 hanggang July 2026.
Sinagot din ni Garcia ang ukol sa preparasyon ng Comelec sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nauna ng itinakda sa Dec. 1, 2025 ngunit ay naipagpaliban at gaganapin na lamang sa November 2, 2026 matapos mag-isyu ang Supreme Court ng temporary restraining order (TRO), at ang unang Bangsamoro first regular parliamentary elections sa Oct. 13, 2025 .
Sa kabilang ng pagpapaliban sa BSKE ay hindi tumitigil ang Comelec sa paghahanda bagama’t wala pa aniyang nailalaang badyet para sa Nov. 2, 2026 elections.
“The proposed budget that we are hearing on, ito po ay budget na wala yung postponement ng BSKE. Kung sakali po yung hawak namin na supposedly for Dec. 1 election yun po ay magiging continuing appropriation,” ani Garcia. (Meliza Maluntag)