Home NATIONWIDE Solidum: Flood control programs dapat naka-base sa agham

Solidum: Flood control programs dapat naka-base sa agham

420
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr. na mas magiging epektibo ang pamamahala sa pagbaha sa Metro Manila at mga probinsya kung gagamit ng science-based planning.

Sa isang forum, binigyang-diin niya ang pangangailangan ng integrated water resource management para sa bawat river basin, kasama ang masusing pag-aaral sa daluyan ng tubig at epekto ng mga proyektong itatayo.

“Maaaring magbigay ang DOST ng agham at teknolohiya upang maayos na ma-i-mapa ang mga ito at magamit ang datos sa tamang pagpaplano,” ani Solidum.

Kabilang dito ang paggamit ng digital elevation models, forecasting tools, at GIS mapping para masukat ang kapasidad ng drainage systems at epekto ng ulan at imprastraktura.

Binalaan niya na ang mga proyektong walang tamang drainage, gaya ng mga subdivision na itinaas ng sampung metro, ay maaaring magsilbing dam na nagpapalala ng baha.

Giit niya, mahalaga ang agham, datos, at koordinasyon ng lokal at pambansang pamahalaan para sa epektibong flood control. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here