Home NATIONWIDE Marcoleta: Ilang personalidad sa flood control probe nasa abroad na

Marcoleta: Ilang personalidad sa flood control probe nasa abroad na

264
0

MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Senate Blue Ribbon Committee chair Rodante Marcoleta nitong Miyerkoles na ilang indibidwal na konektado sa iregularidad sa flood control projects ay nakalabas na ng bansa, at may ulat na nasa Amerika na ang ilan.

Paliwanag niya, lookout order lamang ang maaaring hilingin ng Senado at hindi hold departure order, ngunit binalaan niyang maaaring maglabas ng arrest warrant laban sa mga patuloy na umiiwas sa subpoena.

Dagdag ni Marcoleta, may potensyal na testigo na handang pangalanan ang mga mambabatas at opisyal ng DPWH na sangkot, bagama’t nangangamba ito para sa kanyang kaligtasan.

“Meron nang lumalapit na gustong gawin. Medyo nag-aalangan nga lang sapagkat merong threat sa buhay nila,” anang senador.

“Actually may nag-note na ganun. Sabi niya gusto ko sanang itama lahat ng ito. Nangangamba lang ako sa buhay naming mag-anak,” dagdag pa niya.

Aniya, posibleng hindi makasuhan ng kriminal ang mga contractor kung sila’y makikipagtulungan, babayaran ang danyos, at tuturo sa mga opisyal na sangkot.

Nilinaw rin niya na maaari pa ring managot si dating DPWH chief Manuel Bonoan kahit nagbitiw na ito sa puwesto. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here