Home OPINION DROGA MABILIS NA NAGBABALIK

DROGA MABILIS NA NAGBABALIK

273
0

HABANG nalululong lahat panonood sa korapsyon at pandarambong sa mga ghost, SOP, abandonado, substandard at iba pang nakapaninindig-balahibong sa flood control projects, pinuputakti naman ang mga mamamayan ng malaganap na droga.

Sa State of the Nation Address noong Hulyo 28, 2025, inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos ang umano’y tagumpay ng kanyang pamahalalan laban sa droga.

Simula noong Hulyo 2022 hanggang Hulyo 2025, nakasamsam umano ang kanyang pamahalaan ng P83B droga at nakadakip ng 153,000 suspek.

Pinakamalaki sa mga nadiskubre at nasamsam ang nanggaling sa mga lalawigan ng Zambales, Pangasinan, Cagayan, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Cebu, Batangas, Rizal, Cavite Muntinlupa at Tondo, Manila.

Masaklap umanong katotohanan ang pagkakasangkot ng 677 empleyado ng pamahalaan, kabilang na ang mahigit 100 halal na opisyal at mahigit 50 pulis.

Ipinagmalaki ng Pangulo na halos mapantayan na ng kanyang administrasyon ang nagawa ng administrasyon ni ex-President Digong Duterte.

At dahil nagbabalik nga ang droga, nangako ang Pangulo na lalo nitong paiigtingin ang giyera sa droga at bigtime man o small time, madadale lahat.

NAGBABALIK NGA

Tama ang sinasabi ng mga tao na nakarating mismo sa Pangulo na nagbabalik nga ang droga kaya dapat lang talaga na magiging tuloy-tuloy ang giyera rito.

Nitong mga unang araw lang ng Setyembre 2025, nakakumpiska ang Bureau of Customs sa ilalim ni Commissioner Ariel Nepomuceno ng P500 milyong shabu sa Tondo, Manila, nakasilid ang mga ito sa tatlong balikbayan box, nakatakdang ibiyahe sa Bacoor City, Cavite at nagmula sa California, United States.

Nasa P75M shabu naman ang nasabat ng BOC, Clark Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at Philippine Drug Enforcement Agency-Central Luzon sa Clark Freeport Zone sa Mabalacat, Pampanga, nangggaling sa Mexico at dadalhin umano sana sa Cainta, Rizal.

Mula Agosto Aug. 22 to 29, may nasamsam ang PDEA sa ilalim ni PDEA Director General Isagani Nerez na P139M halaga ng sari-sari gaya ng shabu, marijuana, ectasy at ketamine sa buong bansa.

Sa Cordillera Administrative Region natagpuan ang marijuana habang sa Metro Manila, Calabarzon at Northern Mindanao ang bulto ng shabu.

Noong Agosto 15-22, nakasamsam ang PDEA P101.70M at bago nito o noong Agosto 18-15, may P1B droga ang nasamsam din.

Partikular noong Agosto 16, may P47.6M nasabat sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, Pasay City na dala ng African national mula sa Hong Kong,

Agosto 13 naman nang masabat ng PDEA ang P136M shabu sa San Pablo City, Laguna at nagsusuplay ang nahuli rito sa Metro Manila at ilang kalapit na probinsya.

Sa pagitan naman ng Hulyo 25-Agosto 1 nasamsam ang mahigit P72M shabu sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Mahigit nang P1B ang nadagdag mula sa ika-4 na SONA ng Pangulo.

MGA HINDI NASABAT, PAANO?

Habang ipinagmamalaki ng pamahalaan ang bunga ng giyera nito sa giyera, paano ang mga hindi nasabat?

Hindi kaya magkasing-halaga at laki ng bolyum ng nakaraang tatlong taon ang hindi nasasabat sa loob ng Pinas?

Paano kung mahigit P83B din ang masasabat at hindi masasabat bago bababa sa pwesto si Marcos sa 2028?

Anak ng tokwa, milyones ulit, mga Bro, ang magiging adik at libo-libong pamilya ang mawawasak.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here