Home NATIONWIDE S. Luzon, Vis-Min uulanin sa habagat

S. Luzon, Vis-Min uulanin sa habagat

195
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng PAGASA nitong Martes, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Southern Luzon, Visayas, at Mindanao dahil sa easterlies.

Patuloy ding binabantayan ang Tropical Depression Tapah (dating Lannie), na nasa 1,250 kilometro kanluran hilagang-kanluran ng dulong hilagang Luzon, taglay ang hanging umaabot sa 55 km/h at bugso hanggang 90 km/h habang kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Posibleng makaranas ng malalakas na ulan ang Bicol Region, Quezon, Marinduque, Romblon, Aklan, Capiz, Northern Samar, at Eastern Samar na maaaring magdulot ng flash flood o landslide. Samantala, ang Metro Manila, natitirang bahagi ng Visayas, CALABARZON, at MIMAROPA ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong thunderstorm. Lokal na thunderstorm naman ang inaasahan sa natitirang bahagi ng Luzon.

Mahihinang hanggang katamtamang hangin at banayad hanggang katamtamang karagatan ang mararanasan sa buong bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here