Home ENTERTAINMENT Matet, nagpa-tattoo ng ‘Guy’ sa braso!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Matet, nagpa-tattoo ng ‘Guy’ sa braso!September 9, 2025 16:322730 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – May sariling paraan si Matet de Leon para alalahanin ang yumaong inang si Nora Aunor.Hindi lang kasi sa puso ng aktres nakaukit ang pangalan ng nag-iisang Superstar ng bansa kundi maging sa kanang braso niya.Nagpalagay kasi ng tattoo si Matet ng “Guy” on her right arm.Sa ibabaw nito ay may korona pa ito na sumisimbolo sa label ni Nora bilang reyna ng pelikulang Pilipino.Ang Guy ay palayaw ni Nora na ibinansag sa kanya dahil sa kanyang boyish na kilos ng kanyang kabataan.Kasama ni Matet ang kanyang mga kapatid.Sa video clip, makikitang both sisters, Matet and Lotlot, were having a fun time while in a huddle.Kasama rin nila ang dalawa pang kapatid na sina Kiko at Kenneth.Also in the video ay ang pagpapalagay ni Kiko ng tattoo sa dibdib.Hindi nga lang malinaw kung bukod kay Matet ay nagpalagay din ng tattoo ang tatlo pang siblings in honor of their mom.One thing’s for sure, tiyak na ikinagagalak ni Nora ang bonding ng kanyang mga anak despite her absence. Ronnie Carrasco III