Home NATIONWIDE 65-anyos na mekaniko, tinadtad ng bala sa Laguna

65-anyos na mekaniko, tinadtad ng bala sa Laguna

312
0

MANILA, Philippines – Kritikal ang kalagayan ng isang 65-anyos na mekaniko matapos pagbabarilin ng lalaking nagpanggap na customer sa isang talyer sa San Pedro, Laguna, nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa kaanak ng biktima, apat na beses nagpabalik-balik ang suspek sa talyer at mahirap daw kausapin. Nang harapin ng biktima, bigla itong naglabas ng baril.

“Tinanong po ng tito ko bakit may baril ka? Ang sagot niya po siyempre may pera ako kaya ko bumili ng baril,” sabi ng kaanak.

Sinubukan pang magreklamo ng biktima sa barangay, ngunit pinaputukan siya ng suspek habang paatras ang sasakyan. Doon na siya pinagbabaril nang tuluyan.

Agad isinugod sa ospital ang biktima. Makalipas ang 30 minuto, bumalik sa talyer ang suspek at doon siya naaresto.

“Kasi buhay pa yung biktima, so most probably baka may ano pa siya eh, intention. So chine-check pa namin po yun,” ayon kay Police Colonel Jonar Yupio ng Laguna PPO.

Nakumpiska sa suspek ang isang customized caliber .45 at nahaharap siya sa kasong frustrated murder. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here