Home LIFESTYLE HEALTH 5,430 kaso ng leptospirosis naitala mula Hunyo — DOH

5,430 kaso ng leptospirosis naitala mula Hunyo — DOH

324
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng kabuuang 5,430 kaso ng leptospirosis mula Hunyo 8 hanggang Setyembre 18, 2025.

Sa kabila ng malawakang pagbaha, dalawa lamang ang naitalang bagong kaso mula Setyembre 14 hanggang 18—malayo sa 1,199 na kaso noong unang linggo ng Agosto matapos ang serye ng bagyo.

Ayon sa DOH, naka-heightened alert na ang kanilang mga tanggapan dahil sa posibleng epekto ng bagyong Nando.

Pinayuhan ang publiko na agad magpakonsulta sa leptospirosis fast lanes ng mga DOH hospital o health center kung nalubog sa baha o na-expose sa putik upang agad na magamot. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here