Home OPINION LCSP SUPORTADO SI MAYOR BELMONTE SA LABAN VS KORAPSYON

LCSP SUPORTADO SI MAYOR BELMONTE SA LABAN VS KORAPSYON

254
0

SUPORTADO ng Lawyers for Commuters Safety and Protection ang paninindigan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na hindi sya “nanlaglag” ng mga Kongresista sa Lungsod ng Quezon.

Maaalalang si Belmonte mismo ang nagsiwalat ng mga flood control project na hindi dumaan at hindi nasiyasat ng kanyang tanggapan.

Humahanga ang LCSP sa tapang ng Mayora na maglahad ng kung ano ang totoo tungkol sa mga proyekto gaya ng mga flood control at iba pang projects na nilagak sa kanyang lungsod bagaman hindi na idinaan sa kanyang tanggapan.

Tama ang alkalde ng Kyusi, kung may mga kwestyonableng mga proyekto sa kanyang nasasakupan na hindi ipinaalam sa kanya mula pa umpisa at hindi nakonsulta ang kanyang opisina, sino nga ba ang totoo nilaglag? Sino ang talagang nanlaglag?

Dapat dadaan ang konsultasyon sa Punong Lungsod dahil ang Mayor ang unang haharap sa tao kung anoman ang kahinatnan ng mga proyektong inilagay sa kanyang nasasakupan.

Ngayon sa gitna ng mga iskandalo tungkol sa flood control projects at kung ano-ano pang ghosts projects na parang harapang ninakawan ang sambayanan, saan nga ba nakatayo ang Mayor? Dito kami saludo – sa klarong pagtutok ni Mayor Joy sa mga kwestyonableng proyekto. Sana ay maitama niya ang mga mali tungkol dito sa QC.

Sa init ng ulo ng mga tao tungkol sa garapalang kupitan sa pera ng bayan, hinaharap ni Belmonte ang laban versus korapsyon. At malaking inspirasyon siya dahil bilang isang lider na lumaki sa gitna ng masalimuot na mundo ng pulitika at sa gitna ng mga debate at mga imbestigasyon mas maraming insights na maiko-contribute ang Mayor ng QC.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here