Home HOME BANNER STORY 5 araw na dami ng ulan, bumuhos sa QC sa loob ng...

5 araw na dami ng ulan, bumuhos sa QC sa loob ng 2 oras

300
0

MANILA, Philippines – Halos limang araw na halaga ng ulan ang ibinuhos ng isang thunderstorm sa loob lamang ng dalawang oras sa Quezon City nitong Lunes, ayon sa PAGASA.

Naitala sa Science Garden station ang 82 mm ng ulan mula 11 a.m. hanggang 1 p.m., katumbas ng 82 litro ng tubig sa bawat metro kuwadrado ng lungsod.

Bumaha sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila kabilang ang Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, Marikina, Pasig, San Juan, Mandaluyong, Maynila, Makati, at Pateros, pati na rin sa ilang lugar sa Bulacan at Rizal.

Maraming kalsada ang nalubog sa baha hanggang tuhod at baywang, na nakapinsala sa mga sasakyan at nagpatigil sa mga pasahero.

Noong Agosto 30, nakapagtala rin ng cloudburst sa Quezon City na nagdala ng halos 100 mm ng ulan sa loob lamang ng isang oras. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here