Home NATIONWIDE ‘Conflict of interest’ issue ng asawa, pinalagan ni Marcoleta

‘Conflict of interest’ issue ng asawa, pinalagan ni Marcoleta

339
0

MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ni Senador Rodante Marcoleta nitong Lunes ang panig ng kanyang asawa matapos maiugnay sa isang insurance company na nagbigay ng bonds sa mga kontraktor na sangkot umano sa bilyon-bilyong pisong flood control scandal.

Binanggit ang posibleng conflict of interest dahil minsang pinamunuan ni Marcoleta ang Senate Blue Ribbon panel na nagsiyasat sa naturang proyekto.

Tinawag niyang “mahina ang research” at pulitikal ang motibo ng alegasyon, sabay diin na ang kanyang asawa ay isang independent director na hindi maaaring magkaroon ng pagmamay-ari o kaugnayan sa may-ari ng kumpanya.

“Ang independent director… wala kang pagmamay-ari doon, wala kang kinalaman kung sino man yung may mga interests doon,” aniya.

Giit ng senador, hindi awtomatikong may anomalya ang ugnayan ng kompanya sa mga kontraktor, gaya ng simpleng pagkakaroon ng sasakyang nakaseguro sa parehong kumpanya.

Sinabi pa ni Marcoleta na nililikha lamang ng mga kritiko ang ganitong naratibo para siya siraan, at maaari niyang ibunyag ang koneksyon ng mga nasa likod ng akusasyon sa mga susunod na araw. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here