Home HOME BANNER STORY Mindanao Railway Project, zero budget sa 2026

Mindanao Railway Project, zero budget sa 2026

373
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) na walang nakalaang pondo para sa Mindanao Railway Project sa panukalang P197-bilyong budget ng ahensya para sa 2026.

Sa deliberasyon sa Senado, sinabi ni Assistant Secretary Eduardo Macabulos na ina-update ang feasibility study ng proyekto sakaling may bagong mapagkunan ng pondo.

Inirekomenda naman ni Acting Secretary Giovanni Lopez ang paglalaan ng pondo kahit para sa Project Management Office at right of way.

Ibinasura noong 2023 ang Chinese financing para sa proyekto. Ang Phase 1 ng railway na sakop ang Tagum-Davao-Digos segment ay may habang 100.2 kilometro na may walong istasyon at tinatayang nagkakahalaga ng P81.6 bilyon batay sa 2021 estimate. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here