MANILA, Philippines – Ilang mga bagong opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pormal na nanumpa kay Secretary Vince Dizon.
Kabilang sa mga bagong opisyal ang limang undersecretaries na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito’y sina Arrey Perez bilang Undersecretary for Operations in charge of Convergence Projects and Technical Services, Arthur Bisnar bilang Undersecretary for Regional Operations, at Charles Calima Jr. bilang Undersecretary for Special Concerns.
Kasama ring nanumpa sina Ricardo Bernabe III bilang Undersecretary ng Office of the Secretary at Samuel Rufino Turgano bilang Undersecretary for Legal Services.
Ang limang bagong talagang opisyal ang siyang papalit sa puwesto ng ilang mga opisyal na una nang nagpasa ng kani-kanilang courtesy resignation.
Ang hakbang na ito ng DPWH ay bilang bahagi ng programa na linisin ang hanay ng ahensiya upang maging transparent at tuluyang masugpo ang korupsyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden