Home NATIONWIDE Trasparency sa flood control investigation tiniyak ni Remulla

Trasparency sa flood control investigation tiniyak ni Remulla

323
0

MANILA, Philippines – Suportado ng Department of Justice (DOJ) ang imbestigasyon ng Independent Commission of Infrastructure (ICI) kaugnay sa maanomlayng flood control projects.

Kasabay nito, tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang buong transparency sa imbestigasyon ng independent commision.

Sa kanilang unang pagpupulong, napagkasunduan na igagalang ang ICI at susuportahan ito ng justice department.

Kabilang rito ang pagbabahagi ng lahat ng dokumento at ebidensiyang hawak ng DOJ na may kinalaman sa kaso.

Ayon kay Secretary Remulla, mahalagang maging bukas at malinaw ang proseso upang mapanatili ang tiwala ng publiko.

Iginiit din niya na ang layunin ng koordinasyon ay hindi lamang para magka-isa ang mga ahensya ng gobyerno, kundi para matiyak na magiging patas, kapani-paniwala, at makabuluhan ang resulta ng imbestigasyon—lalo na’t nakasalalay dito ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here