Home METRO Ginang na tumangging makipagbalikan, kinatay ng kalive-in

Ginang na tumangging makipagbalikan, kinatay ng kalive-in

207
0

CATBALOGAN CITY – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang ginang ng kanyang kinakasama matapos umanong tumangging makipagbalikan dahil sa magulo nilang pagsasama, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktima sa alyas Lea, 53-anyos, habang nadakip naman ang suspek na si alyas Ador, 56, kapwa residente ng Brgy. Iguib, Catbalogan City.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang krimen nitong Linggo ng gabi sa nasabing lugar.

Ayon kay Lt. Col. Norman Ala, hepe ng Catbalogan City Police, selos ang motibo sa krimen.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na isang buwan nang hindi nagkakasundo ang biktima at suspek na nauwi sa kanilang paghihiwalay.

Nitong Linggo, nagtungo ang suspek sa bahay ng biktima para makipagbalikan subalit tumanggi si Lea.

Sa galit ng suspek, pinagsasaksak niya ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Mabilis na tumakas ang suspek pero kalaunan ay nadakip ng mga awtoridad sa isinagawang hot pursuit operation.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Catbalogan City Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong murder. (Mary Ann Sapico)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here