Home METRO P3.8-M tobats nasamsam sa bigtime tulak sa Pembo

P3.8-M tobats nasamsam sa bigtime tulak sa Pembo

265
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang high-value drug suspect sa Taguig at nasamsam ang ₱3.8 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Barangay Pembo nitong Miyerkules ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na 26-anyos, construction worker, na naaresto alas-12:30 ng madaling araw, Oktubre 1, sa joint operation ng Taguig Police Drug Enforcement Unit at PDEA.

Ang suspek ay nasa watchlist bilang high-value personality, ay nakuhaan ng pitong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 565.6 gramo, kasama ng drug paraphernalia at marked money.

Dinala ang mga ebidensya sa Southern Police District Forensic Unit para sa pagsusuri habang nakakulong na si Mendoza sa Taguig Police custodial facility. Kakaharapin niya ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ayon kay Taguig Police Chief Col. Byron Allatog, bahagi ito ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga alinsunod sa utos ni Mayor Lani Cayetano na tugisin ang mga high-value suspect at gawing drug-free ang lungsod. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here