Home METRO Health hubs sa Valenzuela, pinasinayaan

Health hubs sa Valenzuela, pinasinayaan

309
0

VALENZUELA, Philippines – Pormal na pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian ang dalawang Valenzuela Sentro Health Hubs sa Barangay Canumay West at Karuhatan na nagmarka ng pinalakas, moderno, at mas madaling maabot na health care services para sa bawat Pamilyang Valenzuelano.

Ang Sentro Health Hubs ay restructure at upgraded na mga health center na idinisenyo upang maghatid ng mga pinalawak na serbisyo sa publiko na bukas pitong araw sa isang linggo, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM para matiyak ang tuluy-tuloy at maginhawang access sa mga serbisyong medikal.

Ang bawat hub ay nag-aalok ng komprehensibong serbisyo tulad ng outpatient consultation, emergency at first aid, mother and child health care, dental services, diagnostic at laboratory services, pharmacy corner, at maging mga minor surgeries na nakatuon sa pagbibigay ng abot-kaya at marangal na pangangalagang pangkalusugan na mas malapit sa bawat Pamilyang Valenzuelano.

Ang pagpapasinaya ngayong araw ay bahagi ng plano ng Pamahalaang Lungsod na magtatag ng kabuuang limang Sentro Health Hub sa Barangay Mabolo, Mapulang Lupa, Lawang Bato, Karuhatan, at Canumay West.

Binigyang-diin ni Mayor Wes na ang mga hub na ito ay bahagi ng mga pangakong inilatag niya sa pagsisimula ng kanyang ikalawang termino, noong 2025 State of the Health Address (SOHA) noong Hulyo 1, kasama ang deployment ng mas maraming medical personnel sa mga barangay, katiyakan ng libreng gamot na sasakupin ang isang buwang supply sa pangunahing sakit para sa mga senior citizen, at pagkakaroon ng Over-the-Counter medicines.

Sa pamamagitan ng Sentro Health Hubs, patuloy na tinutupad ng Pamahalaang Lungsod ang kanyang Valenzuelife vision na lumikha ng isang liveable city kung saan ang health care ay tumutugon at magagamit ng bawat Pamilyang Valenzuelano, tunay, Healthcare na hindi hassle! (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here