Ito ang puna ngayon ng online show na Showbiz Now Na kay Ai Ai de las Alas lately.
Paano ba naman kasi’y napagkikita ang komedyana sa kung saan-saan na animo’y parang hindi isang sikat na artista.
Ito ang komentong natatanggap ni Cristy Fermin at dalawa niyang co-host.
Partikular na pinuna ang pagpunta kamakailan ni Ai Ai sa Divisoria kasama ang panganay na anak na si Sancho.
Nakasuot ng face mask si Ai Ai wearing ordinary clothes lulan ng sidecar.
Naroon ang mag-ina para bumili ng flour na kakailanganin niyang pam-bake ng tinitindang breads and pastries.
Kinailangan pa daw niyang tanggalin ang kanyang face mask at magpakilala: “Si Ai Ai de las Alas ako!”
Ang punto nina Cristy, tila malaki ang epekto ng paghihiwalay nila ng asawang si Gerald Sibayan.
“Dapat pag artista ka lalo’t sikat, hindi ka pakalat-kalat sa kung saan-saan. Bumababa kasi ang premium mo,” ani Cristy citing strict rules imposed on the Sampaguita and LVN stars during the 60s.
Napakataas daw kasi ng tingin sa mga artista noon that they were prohibited to blend in with the masa.
Kambyo naman ni Cristy, baka raw nagpapakatotoo lang din si Ai Ai.