Home ENTERTAINMENT Guanzon, dating kinalaban si Robin, bumaligtad na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Guanzon, dating kinalaban si Robin, bumaligtad na!October 4, 2025 17:152800 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Iba na ngayon ang tabas ng dila ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon patungkol kay Senator Robin Padilla.Umikot kasi nang 180 degrees si Guanzon na ngayo’y todo-puri na sa aktor-pulitiko.Finlex nga ni Guanzon ang litrato nila ni Robin kuha sa isang event.Kasabay nito’y sinariwa ni Guanzon ang panahong lantaran ang ginawa niyang pang-ookray noon kay Robin.Sabi kasi noon ni Guanzon na maawa raw ang ating mga kababayan sa bansa kung iboboto ng mga ito ang aktor na tumatakbong senador noong 2022.Much to her surprise, nanguna pa si Robin among the senatoriables.Ngayon, it’s obvious that Guanzon is humming a different tune.Aniya, hindi na raw siya nagtataka kung nag-number 1 man ito noon.Napatunayan daw mismo ni Guanzon na malakas ang charisma nito, humble pa.Kinumpara rin niya si Robin na malayung-malayo sa mga kapwa senador na sina Tito Sotto at Raffy Tulfo.Sampalataya rin si Guanzon na walang bahid korapsyon si Robin na malinis ang hangarin sa sambayanang Pilipino.Naging instant fan bigla! Ronnie Carrasco III