Home METRO P3.7M shabu naharang sa checkpoint sa Davao City

P3.7M shabu naharang sa checkpoint sa Davao City

311
0

DAVAO CITY-UMABOT sa P3.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang suspek matapos itong maharang sa isinagawang Task Force Davao Checkpoint, kahapon ng hapon, Oktubre 5 sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek sa alyas Bombay, 32, at residente ng Magsaysay, Carmen, Davao del Norte.

Batay sa report ng Davao City-PNP, bandang 4:20 ng hapon ng Oktubre 5, 2025 naharang ang suspek sa Barangay Sariwaan, ng naturang lungsod.

Ayon sa pulisya, dumaan ang suspek sa checkpoint na may bitbit na bag at kahina-hinala ang kilos habang inilagay sa x-ray scanner ang bag nito.

Dito, nakita ang mga pakete na hinihinalang naglalaman ng ‘white crystalline substance’ at nahulog pa ang iba sa sahig.

Agad na sinuri ang laman ng bag ng suspek at kinapkapan na rin ito ng mga pulis na naka-duty.

Dito, nakuha pa sa suspek sa suot nitong sweater at ilang pakete na hinihinalang shabu at ang iba ay nakasabit sa kanyang beywang.

Umabot sa P3,757,000 halaga ng iba’t ibang pakete ng umano’y shabu ang nakuha sa suspek.

Sa ngayon isinailalim na sa imbestigasyon ang suspek para alamin kung saan nito kinuha ang mga shabu.

Inihanda na rin ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na isasampa laban sa suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here