Home HOME BANNER STORY Sirit-presyo sa produktong petrolyo, nakaumang

Sirit-presyo sa produktong petrolyo, nakaumang

153
0

MANILA, Philippines – Magpapatupad ng dagdag presyo sa kada litro ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, Caltex (CPI) at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P0.20 sa kada litro ng gasoline at kerosene habang nasa P0.80 naman sa kada litro ng diesel na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May dagdag din sa presyo ng mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang CleanFuel na magiging epektibo bukas ng alas-4:01 ng hapon.

Ang ipatutupad na oil price hike sa mga nasabing produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng dagdag-bawas sa kada litro ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na P0.20 bawas sa kada litro ng gasolina habang dagdag presyo naman na P0.90 sa kada litro ng kerosene at diesel. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here