MANILA, Philippines – Naisumite na ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang listahan o shortlist ng maaaring pagpilian para sa susunod na itatalagang Ombudsman.
Pasok sa shortlist sina Philippine Competition Commission chairperson Michael Aguinaldo, retired Court of Appeals Justice Stephen Cruz, Supreme Court (SC) Associate Justice Samuel Gaerlan, Deputy Executive Secretary for Legal Affairs Anna Liza Logan, retired SC Justice Mario Lopez, Sandiganbayan Associate Justice Michael Frederick Musngi, at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Papalit kay dating Ombudsman Samuel Martires na nagretiro noong Hulyo 27 ang mapipiling opisyal.
Ang bagong Ombudsman ay manunungkulan ng pitong taon na walang reappointment.
Agosto 28 hanggang Styembre 2 taong kasalukuyan nang sumalang ang 17 aplikante para sa nasabing posisyon at tanging pito (7) lamang ang mapalad na napasama sa shortlist na ipinadala sa pangulo. Jocelyn Tabangcura-Domenden