Home METRO P2.1-M ‘tobats’ nakumpiska sa Rizal, 3 arestado

P2.1-M ‘tobats’ nakumpiska sa Rizal, 3 arestado

268
0

RIZAL, Philippines – Arestado ang tatlong high value individuals kabilang ang isang operations manager ng security agency sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad, iniulat kahapon sa Cainta.

Kinilala ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) ang mga suspek na sina “Khalef,” 46 anyos, operations manager; “Naser,” 53 anyos, security guard; at “Jam,” 45 anyos.

Sa pinagsamang operasyon ng Cainta Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), dakong 1:25 AM noong Oktubre 4, 2025 ikinasa ang operasyon laban sa mga suspek sa Barangay San Isidro, Cainta.

Nakumpiska sa mga suspek ang 320 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,176,000, pati na rin ang iba pang ebidensya at isang sasakyan.

Kasalukuyang nakapiit ang tatlo sa Cainta Custodial Facility at sasampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here