Home ENTERTAINMENT Celeste, sukang-suka sa senado!

Celeste, sukang-suka sa senado!

292
0

Manila, Philippines – Country’s premier singer Celeste Legaspi took to her social media account to articulate her sentiments over the case of former President Rodrigo Duterte.

Pinagbotohan kasi sa Senado kung sino sa mga mambabatas ang pabor na i-house arrest na lang si dating PRRD for “humanitarian reasons.”

Bunsod ito ng ‘di maayos na kundisyon niya sa kalusugan.

Nasa The Hague sa Netherlands pa si Digong who’s facing crimes against humanity before the ICC.

Among the senators, tatlo ang kumontra–Senators Risa Hontiveros, Bam Aquino at Kiko Pangilinan.

Dalawa ang nag-abstain and the rest voted in favor of it.

Hindi nga napigilan ng veteran singer na mag-react ukol dito.

Saad niya: “Matanda na ako so I can say what I wanna say. I don’t have to do PR. Sukang-suka ako sa Senado.

“Except for the three senators who voted no, magtrabaho kayo! Tigilan n’yo na ‘yang ‘humanitarian ek-ek’ na ‘yan!”

Kilalang outspoken si Celeste pagdating sa mga mahahalagang usapin sa bansa.

llan lang siya sa maraming mang-aawit na walang pakialam sa pagpapahayag ng kanyang mga saloobin sa mga isyu.

Mahigpit na tinututulan ng marami sa ating mga kababayan ang paglalagay kay Duterte sa house arrest dahil sa mga ipinapatay nito noong war on drugs campaign niya sa ilalim ng kanyang administrasyon. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here