Home NATIONWIDE “Guilty ones” sa flood control mess, nangakong hahabulin ni PBBM

“Guilty ones” sa flood control mess, nangakong hahabulin ni PBBM

349
0

MANILA, Philippines – Malinaw na nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang mga indibiduwal na pananagutin sa flood control corruption ay iyong mga “guilty ones.”

“We know many of these people are not innocent. But if you’re going to bring them to court, you must have a strong case,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang panayam ng Manila Bulletin’s “The Sit Down” na hinost ni Philip Cu Unjieng, para sa kanyang bagong BBM Podcast.

Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan na magkaroon ng matibay at solidong ebidensiya at sumusunod sa batas sa pagtugis at paghabol sa mga salarin ng flood control mess.

“Look, anong mangyayari? Minadali natin, hindi kumpleto ang ebidensya natin. Malabo ‘yung ebidensya natin pero pinilit natin.  Natalo ‘yung kaso. Can you imagine? I think that would be much, much, much worse,” aniya pa rin.

“We have to follow the law. Otherwise, whatever we do is not legitimate and we have to be very, very clear that we go after the guilty ones,” ang tinuran ng Chief Executive. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here