Home NATIONWIDE Higit 3,300 reklamo natanggap ng SEC vs unregistered financing entities

Higit 3,300 reklamo natanggap ng SEC vs unregistered financing entities

292
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Securities and Exchange Commission (SEC) nitong Lunes, Oktubre 6 na nakatanggap ito ng 3,315 reklamo laban sa unregistered financing entities sa kabila ng report na ang mga nangungutang ay hinaharass ng debt collectors.

“Of the 3,570 complaints involving unfair debt collection, 3,315 complaints were lodged against unregistered FCs (financial companies), LCs (lending companies), and OLPs (online lending platforms),” pahayag ni SEC Commissioner Regelio Quevedo sa pagdinig ng Senate committee on banks, financial institutions, and currencies.

“The problem is the unrecorded, unregistered online platforms. These are the lending companies that are not registered with the Securities and Exchange Commission,” dagdag pa niya.

Mula Enero hanggang Setyembre 15, 2025, nakatanggap ang SEC ng 3,570 reklamo sangkot ang unfair debt collection practices.

Nanawagan naman si Quevedo sa pag-amyenda sa Republic Act 11934 o SIM Registration Act na nagbabawal sa isang tao na magkaroon ng lima o higit pang SIM cards, o kaya naman ay hingian ng rason kung bakit nito kailangan ng maraming SIM card.

“Magiging kaduda-duda na po pag ang isang tao ay kailangan ang mahigit sa tatlo o limang SIM cards na nakare-register sa pangalan niya,” ani Quevedo.

Ang SIM Registration Act ay isinabatas noong 2022 upang wakasan ang mga krimen katulad ng text at online scams sa regulasyon sa pagbebenta at paggamit ng mga SIM sa pagmamandato ng registration ng end-users.

Enero lamang ngayong taon ay nasamsam ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang 7,900 pre-registered SIM cards at inaresto ang 38 illegal sellers nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here