MANILA, Philippines – Inabisuhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang publiko na iwasan ang pagtatayo ng anumang istruktura sa taas o loob ng 5 metro sa magkabilang panig ng bagong diskubreng Bogo Bay Fault sa Bogo City, Cebu.
Sa briefing, sinabi ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol na ang fault, na nagdulot ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu, ay matatagpuan sa lupain sa Sitio Looc, Barangay Nailon, Bogo City.
“There should be no residential structure on top of any active fault in any part of the country,” ani Bacolcol.
Idinagdag pa niya na nagtakda ang PHIVOLCS ng 5-meter buffer zone sa magkabilang panig ng fault na may habang 6 kilometro sa lupa.
Nadiskubre ang naturang fault noong Oktubre 3. Nagpapatuloy naman ang verification patungkol dito.
“We urge the local government unit to use the upcoming field mapping result and use this in their land use planning and preparedness plans. Integrate the fault’s presence and location in their comprehensive land use plan,” anang opisyal. RNT/JGC