Home METRO Gumuhong tulay sa Cagayan, popondohan ng DPWH

Gumuhong tulay sa Cagayan, popondohan ng DPWH

317
0

MANILA, Philippines – Popondohan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang muling pagtatayo ng bumagsak na Piggatan Bridge sa Alcala, Cagayan sa lalong madaling panahon, sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon.

Ang nasabing tulay ay gumuho noong Lunes dahil sa overloaded na trucks na dumaan sa tulay na may 18 metric tons lamang na limit.

Binanggit ni Dizon na bibisitahin niya ang lugar bukas.

Aniya, kailang gawan ng paraan kung paano muling maitayo ang tulay sa lalong madaling panahon.

Sinabi naman ni Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office chief Ruel Rapsing na talagang hindi na maayos ang tulay at nangangailangan ng agarang rekonstruksyon.

Sinabi rin ni Rapsing na mayroong apat na trucks na dumaan sa tulay nang ito ay gumuho at hindi tatlo gaya ng unang napaulat. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here