Home ENTERTAINMENT Tambalang Sanya-Elijah, inokray!

Tambalang Sanya-Elijah, inokray!

267
0

Manila, Philippines – Magkarelasyon o magtiyahin?

Ganito ka-subtle ang malinaw na pang-ookray sa screen partnership nina Sanya Lopez at Elijah Canlas sa isang upcoming project.

May nakukyutan sa kanilang tandem reminiscent of the old Hollywood film The Graduate.

Siyempre, lumilitaw na sa kuwento’y si Sanya ang magbibigay ng sexual awakening kay Elijah.

Batay nga sa agwat ng kanilang edad, nagmumukhang tiyahin daw ng award-winning actor ang Kapuso actress.

At least, for once ay edad ni Sanya ang iniisyu sa kanya at hindi ang kanyang nose job gone wrong.

In fairness though, refreshing daw ang kanilang screen tandem.

At kung sisipatin sina Sanya at Elijah ay bagay naman sila.

It’s about time din naman daw na mag-level up na si Sanya sa kanyang mga screen roles, na may halong sensual flavor.

As for Elijah, given na raw na mahusay itong aktor.

For sure, somehow slighted si Sanya because of her “aunt” look–bumawi na lang daw siya sa akting. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here