Home NATIONWIDE Titser tiklo sa online sexual exploitation sa SoCot

Titser tiklo sa online sexual exploitation sa SoCot

253
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaking guro sa umano’y pambubugaw online sa tatlong menor de edad na lalaki at pagla-livestream pa sa explicit, illegal acts nito online.

Ayon sa ulat, nasagip ng Philippine National Police Women and Children Protection Center ang mga biktima edad 14 hanggang 16 sa isang bahay sa Banga, South Cotabato.

“Ayon sa examination ng kanyang mga device ay meron doong sexual activity involving him with the victims,” pahayag ni PNP-WCPC chief Police Brigadier General Shiela Portento sa panayam ng GMA News.

“Ito rin ay may posibilidad na nagkaroon ng live streaming na kung saan habang ginagawa, may nanunuod virtually na nagbabayad sa kanila,” dagdag pa niya.

Karamihan sa mga parokyano ng suspek ay ang mga foreigner.

Bukod sa tatlong lalaki, nasagip din ng mga awtoridad ang 10-anyos na kapatid ng suspek na ikinokonsiderang child-at-risk.

“Andun sya sa environment na hindi sya healthy for him to grow because nangyayari nga tong krimen na ‘to,” sinabi ni Portento.

Ayon sa PNP-WCPC, alam umano ng mga kapitbahay ng suspek ang aktibidad nito at sangkot sa umano’y online sexual exploitation sa nakalipas na tatlong taon.

Wala pang tugon ang suspek sa mga alegasyon laban sa kanya.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang iba pang biktima ng suspek upang mabigyan ng psychosocial intervention.

“Nakakalungkot because we are exerting efforts to raise the awareness of the community. Kasi itong mga krimen na ‘to dapat nire-report o binibigay ang atensyon sa mga kapulisan,” sinabi ni Portento.

Nagbabala ang PNP-WCPC sa posibleng reklamong kaharapin ng suspek sa ilalim ng Republic Act 111930 o Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Anti-Child Sexual Abuse o Exploitation Materials (CSAEM) Act na may parusang pagkakulong habambuhay at maximum na multang P500,000. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here