Home NATIONWIDE PPA dumipensa sa pagbili ng P168M body-worn cam

PPA dumipensa sa pagbili ng P168M body-worn cam

210
0

MANILA, Philippines – Dumipensa ang Philippine Ports Authority (PPA) sa isyu kaugnay sa kontrobersyal na P168 milyong body-worn camera project.

Paliwanag ni PPA General Manager Jay Santiago, hindi lang mga kamera ang binili kundi buong surveillance system kaya mali ang haka-haka na overpriced ang kontrata.

Kasama rito ang nationwide connectivity, backend servers, software, docking stations, training, at tatlong taong after-sales support para sa 22 Port Management Offices sa buong bansa.

Sinabi ng PPA na ang bidding ay dumaan sa tamang proseso alinsunod sa Government Procurement Reform Act.

Ang kumpanyang Boston Home, Inc. ang nanalong bidder matapos makapagsumite ng mas mababang halaga kaysa sa approved budget.

Malinaw rin na pumasa ito sa lahat ng legal, teknikal, at financial requirements, kabilang ang pagpatupad ng katulad na proyekto sa Philippine Coast Guard.

Ipinunto rin ng PPA na mismong si GM Santiago ang nagpatigil noon sa procurement ng Mobile X-Ray Machines noong 2019 matapos hindi makapasa ang supplier sa kalidad.

Tiniyak ng PPA na bukas sila sa anumang audit mula sa oversight agencies at nananatiling tapat sa prinsipyo ng transparency, accountability, at wastong paggamit ng pondo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here