Home NATIONWIDE Gatchalian sa malawakang korapsyon: Magtayo na lang ng bagong DPWH

Gatchalian sa malawakang korapsyon: Magtayo na lang ng bagong DPWH

225
0

MANILA, Philippines – Pinalutang ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagbuo ng bagong Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa umano’y malawakang korapsyon sa ahensya.

“Kung ako tatanungin, magtayo na lang ng bagong DPWH eh. Kumuha ng bagong tao dahil…ako kasi naniniwala, ang aking philosophy sa management, dadating ka kasi sa punto na kung hindi mo maayos yan gumawa ka na lang ng bago,” sinabi ni Gatchalian sa isang press conference.

Ani Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Finance, aabutin ng ilang taon si DPWH Secretary Vince Dizon para linisin ang ahensya sa pagsisimula sa paghahain ng mga reklamo laban sa mga tiwaling tauhan.

Nilinaw naman niya na ang ideya na magtayo ng bagong DPWH ay hindi isang official proposal dahil marami rin aniyang dapat ikonsidera.

“It’s easier said than done. Extreme talaga ‘yun. I’m just saying na from my management point of view, parang mas maganda pang ganon. But extreme ‘yan. Of course marami tayong dapat pag-isipan, ‘yung mga tao, baka bumagal ang pag-set up,” dagdag niya.

Noong nakaraang buwan, sinabi ni Dizon na target niya ang kumpletong reorganization ng lahat ng mga opisyal ng DPWH mula sa pinakataas hanggang sa mga district engineers sa loob ng susunod na 60 araw, bilang bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na linisin ang ahensya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here