MANILA, Philippines – Inaasahan ang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo matapos ang serye ng taas-presyo sa mga nakalipas na linggo.
Inaasahan ang nasa P0.17 kada litro na rollback sa presyo ng gasolina, at P0.54 naman na bawas sa kada litro ng diesel.
Samantala, inaasahan naman ang nasa P0.47 kada litro na rollback sa kerosene.
Karaniwang inaanunsyo ang oil price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad sa kasunod na araw. RNT/JGC