Home NATIONWIDE Pasok sa paaralan, gov’t offices sa Davao sinuspinde sa M-7.5 na lindol

Pasok sa paaralan, gov’t offices sa Davao sinuspinde sa M-7.5 na lindol

339
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng mga lokal na pamahalaan sa Davao Region ang klase at pasok sa mga tanggapan ng gobyerno nitong Biyernes, Oktubre 10, matapos ang malakas na magnitude 7.5 na lindol na yumanig sa karagatan ng Manay, Davao Oriental.

Sa anunsyo ng Davao City government, kanselado ang lahat ng klase sa pampubliko at pribadong paaralan upang bigyang-daan ang mabilis na pagsusuri sa kaligtasan ng mga gusali at pasilidad sa lungsod.

“In view of the recent earthquake and to give way to the conduct of rapid damage assessment of infrastructures and facilities, classes in all levels, public and private educational institutions, in Davao City are hereby suspended immediately,” ayon sa city government.

Sa karatig na Davao Oriental, ipinahayag din ng pamahalaang lokal ng Governor Generoso ang suspensyon ng klase at trabaho sa mga opisina ng pamahalaan.

“Classes at all levels and work in national and local government offices within the Municipality of Governor Generoso are suspended today, Friday, 10 October 2025, due to the 7.6-magnitude earthquake,” ayon sa kautusan.

Dagdag pa rito, nag-anunsyo rin ang Davao de Oro ng agarang suspensyon ng klase at trabaho, maliban sa mga frontline offices.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang lindol bandang 9:43 a.m. sa lalim na 10 kilometro, na may episentro sa karagatan ng Manay, Davao Oriental.

Una itong naitala sa magnitude 7.6 bago ibinaba sa 7.5 pasado alas-11 ng umaga.

Nagbabala ang Phivolcs sa posibilidad ng mga aftershock ngunit nilinaw na walang banta ng tsunami. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here