Home HOME BANNER STORY 1 tigok sa 7.4 magnitude na lindol sa Davao Oriental — gobernador

1 tigok sa 7.4 magnitude na lindol sa Davao Oriental — gobernador

324
0

MANILA, Philippines – Isang tao ang kumpirmadong nasawi matapos yanigin ng 7.4 magnitude na lindol ang Manay, Davao Oriental nitong Biyernes, ayon kay Governor Nelson Dayanghirang.

“Meron na kaming confirmed dito sa City of Mati, isang casualty. Isa. Nabagsakan siya ng part ng bahay,” pahayag ni Dayanghirang sa Balitanghali.

Ayon sa gobernador, may ilang gusaling nasira habang nagpapatuloy ang assessment ng mga awtoridad. Sinuspinde ang klase at trabaho sa mga pampublikong paaralan at tanggapan, at pansamantalang ipinagbawal ang pagpasok ng mga residente sa ilang ospital bilang pag-iingat.

Nakaranas din ng pagguho ng lupa at pagkawala ng kuryente sa ilang lugar, ngunit nanatiling maayos ang operasyon ng mga pantalan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here