Home NATIONWIDE PCG todo-alerto sa DavOr quake

PCG todo-alerto sa DavOr quake

220
0

MANILA, Philippines – Itinaas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang alert status sa lahat ng tauhan at kagamitan nito sa Davao Oriental at mga karatig na lugar matapos ang 7.4 magnitude na lindol nitong Biyernes.

Ayon sa PCG, inatasan ni Commodore Philipps Soria ng Coast Guard District Southeastern Mindanao (CGDSEM) ang pag-activate ng Deployable Response Group (DRG) teams “upang matiyak ang mabilis at koordinadong pagtugon sa damage assessment, search and rescue operations, at tulong sa mga apektadong komunidad.”

“Lahat ng istasyon at sub-stations, partikular sa Davao Oriental, ay inutusan na makipag-ugnayan sa kani-kanilang Disaster Risk Reduction and Management Councils at tiyaking handa ang kanilang DRG units para sa posibleng deployment,” ayon sa pahayag ng PCG.

Patuloy na minomonitor ng PCG ang sitwasyon katuwang ang PHIVOLCS at Regional DRRMC, at nananawagan sa publiko na manatiling kalmado, sumunod sa mga opisyal na abiso, at iwasang magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here