Home NATIONWIDE VP Duterte: Maging mahinahon at handa matapos M-7.4 lindol sa DavOr

VP Duterte: Maging mahinahon at handa matapos M-7.4 lindol sa DavOr

285
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa mga residente ng Davao Oriental na manatiling kalmado at handa matapos ang 7.4 magnitude na lindol na tumama sa lalawigan nitong Biyernes ng umaga na nagdulot ng pag-aalala sa iba’t ibang bahagi ng Timog Mindanao.

“The OVP-SMSO is closely monitoring the situation following the earthquake in Manay, Davao Oriental,” pahayag ni Duterte. “We are currently on standby to assist any Local Government Unit (LGU) in providing relief to evacuees, should the need arise.”

Hinimok din niya ang mga apektadong residente na humingi ng psychological first aid upang matugunan ang trauma at takot, at tiyaking nakahanda ang kanilang mga emergency bag sakaling magkaroon ng mga aftershock.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol bandang 9:43 a.m. na may sentrong 44 kilometro hilagang-silangan ng Manay, Davao Oriental, sa lalim na 20 kilometro. Una itong tinaya sa magnitude 7.6 bago ibinaba sa 7.4 matapos ang pagsusuri.

Nagbabala ang mga awtoridad sa posibilidad ng aftershocks at pinsala sa mga istruktura, at hinikayat ang mga nasa baybayin at high-risk areas na sundin ang mga abiso ng lokal na disaster offices.

Ang lindol ay nangyari sampung araw lamang matapos ang 6.9 magnitude na pagyanig sa Cebu na kumitil ng hindi bababa sa 72 katao at nagpalikas sa mahigit 20,000 residente. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here