Home NATIONWIDE PPA sinita ni Sen. Raffy sa pagbili ng body cameras na ₱879K...

PPA sinita ni Sen. Raffy sa pagbili ng body cameras na ₱879K kada-isa

628
0

MANILA, Philippines – Binatikos ni Senator Raffy Tulfo ang Philippine Ports Authority (PPA) dahil sa umano’y sobrang mahal na pagbili ng 191 body-worn cameras na nagkakahalaga ng ₱879,000 bawat isa. Tinawag niya itong “immoral at eskandaloso.”

“Sa Philippine National Police (PNP) ₱135,000, medyo nahiya pa nga ‘yung PNP nun… pero sa inyo ₱879,000, grabe naman sana nilubos-lubos niyo na lang, ginawa niyo na lang sigurong ₱1 million,” ayon kay Tulfo kay PPA General Manager Jay Santiago sa pagdinig ng Senado.

Ayon kay Santiago, ang mga kamera ay binili noong 2020, ginagamit pa rin hanggang ngayon, at dumaan umano sa regular na proseso ng bidding sa ilalim ng Republic Act No. 9184. Gayunman, kinuwestiyon ni Tulfo ang presyo at ang pagkakaloob ng kontrata sa Boston Home Inc., na may ₱10 milyong paid-up capital at dating na-flag ng Commission on Audit (COA) dahil sa pagbenta ng depektibong kagamitan.

“Hindi kayo gumawa ng background check… kami nagcheck, apartment lang ang address ng kumpanya,” giit ni Tulfo.

Hiniling din niya kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na imbestigahan at sibakin ang mga opisyal ng PPA na sangkot. “Sec. Lopez, sibakin mo nga ‘to… may kuntsabahan na para dugasin ‘yung gobyerno,” wika ni Tulfo. Nangako si Lopez na sisiyasatin ang isyu. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here