Home HOME BANNER STORY 498 aftershocks naitala kasunod ng DavOr quake – PHIVOLCS

498 aftershocks naitala kasunod ng DavOr quake – PHIVOLCS

310
0

MANILA, Philippines – Halos 500 aftershocks na ang naitala kasunod ng magkahiwalay na lindol na tumama sa Manay, Davao Oriental nitong Biyernes, Oktubre 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa ahensya, magiging mahirap na matukoy kung anong seismic event ang nagdulot ng aftershock matapos ang panibagong lindol na naitala gabi ng Biyernes.

“Yung aftershocks na mage-generate ng magnitude 7.4 at yung aftershocks na maiko-correlate natin sa [magnitude] 6.8 ay mahihirapan na tayong i-distinguish silang dalawa, dahil magkalapit lang sila. So ang gagawin natin, lahat ng aftershocks na mago-occur doon sa area na ‘yun, bibilangin na lang natin sila as one,” ayon kay Winchelle Ian Sevilla, hepe ng PHIVOLCS Seismological Observation and Earthquake Prediction Division, sa isang press briefing.

Ang magnitude 7.4 na lindol na tumama 43 kilometro silangan ng Manay ay nakapagtala ng 425 aftershock hanggang 7:11 ng gabi.

Sa kabila nito, tumama naman ang magnitude 6.8 na lindol 36 kilometro timog ng Manay pagsapit ng 7:12 ng gabi.

Ani Sevilla, mayroong 498 aftershock ang naitala mula sa dalawang lindol.

“Sa ganito po kalakas, base na rin po sa historical data, makakaasa po tayo ng at least days or weeks…Habang tumatagal po, kumukonti ang bilang nito. Pero posible pa rin na kahit kumukonti ang bilang makaka-experience tayo ng aftershocks na may kalakasan na mararamdaman po ng ating mga kababayan, lalong lalo na po roon sa mga malapit sa epicenter ng lindol,” ayon pa kay Sevilla.

Samantala, sinabi ni Teresito Bacolcol, PHIVOLCS director, na ang paggalaw ng Philippine Trench ang sanhi ng dalawang lindol at walang kinalaman sa lindol sa Bogo City, Cebu noong Setyembre 30 na sanhi naman ng paggalaw sa Bogo Bay Fault. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here