MANILA, Philippines – Nagdeklara ng suspensyon ng klase at pasok sa trabaho ang ilang lugar sa Davao Region kasunod ng magnitude 7.4 na lindol na tumama nitong Biyernes sa Manay, Davao Oriental.
#WalangPasok sa mga sumusunod na lugar ngayong Sabado, Oktubre 11, 2025:
Davao City – all levels, public and private, para magbigay-daan sa nagpapatuloy na structural assessment ng mga imprastruktura. Suspendido rin ang pasok sa Lunes, Oktubre 13, 2025.
Davao Oriental – all levels, public at private, “suspended until safety assessments are completed and resumption is deemed safe by competent authorities.”
“Temporarily suspended” din ang pasok sa pampubliko at pribadong opisina sa mga apektadong lugar.
I-refresh lamang ang post na ito para sa pinakabagong impormasyon. RNT/JGC