Home ENTERTAINMENT Pilita, nagparamdam kay Janine!

Pilita, nagparamdam kay Janine!

390
0

South Africa – Sa South Africa na inabutan si Janine Gutierrez ng kanyang birthday noong October 2.

Magkasama sila ng nobyong si Jericho Rosales na hindi siyempre nakalimot bumati sa kanya eksaktong October 2 midnight.

That was Janine’s first birthday nang wala na ang kanyang beloved mamita, ang Asia’s Queen of Songs na si Ms. Pilita Corrales.

Emosyonal nga si Janine, even crying over her seafood while having dinner with Jericho.

Kinasanayan na raw kasi ng Kapamilya actress na kinakantahan ni Pilita sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan.

Ayaw na nga raw sanang tumuloy ni Janine sa biyahe.

Nagkataon kasing hindi niya maiwan ang kanyang maysakit na yaya who she considers as her second mom.

But her siblings insisted that she pack her things and go.

Isang araw daw bago ang kanyang pag-alis, sa kakakalkal ng kanyang mga gamit ay nakita niya ang isang lumang sulat mula kay Pilita.

Doon na napagtanto ni Janine na senyales daw ‘yon na ituloy ang kanyang biyahe–at bilang

pagpaparamdam na din ni Pilita that she’d be safe. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here