Home HOME BANNER STORY Easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng Pinas

Easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng Pinas

267
0

MANILA, Philippines – Malaking bahagi ng bansa ang makakaranas ng pag-ulan dahil sa umiiral na easterlies, sinabi ng weather bureau nitong Lunes.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang easterlies ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa buong Bicol Region, Eastern Visayas, Isabela, Aurora, Rizal, at Quezon.

Ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa mga lugar na iyon ay maaaring magresulta sa flash flood o landslide.

Ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, at nalalabing bahagi ng Visayas ay makakaranas ng isolated rain showers o thunderstorms dahil din sa easterlies.

Isolated rain showers dulot ng localized thunderstorms ang iiral sa buong Mindanao.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin at banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan ang iiral sa buong bansa.

Samantala, isang low pressure area (LPA) ang namataan sa layong 2,540 km. silangan ng timog-silangang Mindanao, sa labas ng Philippine Area of ​​Responsibility simula 2 a.m.

Ang LPA ay may maliit na tsansa na maging tropical cyclone sa susunod na 24 na oras, sabi ng PAGASA. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here