Home HOME BANNER STORY 2 OFW nawawala sa Hong Kong

2 OFW nawawala sa Hong Kong

258
0

MANILA, Philippines – Iniulat na nawawala ang dalawang overseas Filipino workers sa Hong Kong, ayon sa Migrant Workers Office.

Kinilala ang mga nawawalang Pinay na sina Imee Mahilum Pabuaya, 23, at Aleli Perez Tibay, 33.

Huli silang nakita noong Oktubre 4 sa Tsuen Wan District.

Ayon kay Migrant Workers Office officer-in-charge Antonio Villafuerte, lumabas na rin sa social media ang balita tungkol sa mga nawawalang OFW.

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate sa pulisya at Immigration department sa Hong Kong para matunton ang dalawang OFW. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here