MANILA, Philippines – Pormal nang nanumpa si dating Philippine National Police chief Rodolfo Azurin nitong Lunes, Oktubre 13 bilang bagong
special adviser ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Si Azurin ay nanumpa sa harap ni Court of Appeals Associate Justice Pedro Corales at mga miyembro ng independent commission na binuo para mag-imbestiga sa maanomalyang flood control projects.
Pinalitan niya si Baguio City Mayor Benjamin Magalong matapos bumaba sa pwesto kasunod ng anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-aaralan ng legal team kung ang pagkakatalaga sa kanya ay naaayon.
Inanunsyo ng Malakanyang ang pagkakatalaga kay Azurin noong nakaraang buwan. RNT/JGC