Home NATIONWIDE Taas-presyo sa gasolina epektibo bukas!

Taas-presyo sa gasolina epektibo bukas!

417
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng fuel retailers ang magkaibang galaw sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, Oktubre 14.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. na tataas ang presyo sa kada litro ng gasolina ng P0.30, habang rollback naman sa kerosene ng P0.20 ang ipatutupad bukas.

Wala namang pagbabago sa presyo ng diesel.

Samantala, magpapatupad din ng kaparehong pagbabago sa presyo ang Cleanfuel at Petro Gazz.

Ang adjustments ay eepekto alas-6 ng umaga. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here