Home NATIONWIDE PNP: Focus crimes bumaba ng 14% mula Enero ‘gang Oktubre 2025

PNP: Focus crimes bumaba ng 14% mula Enero ‘gang Oktubre 2025

292
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ng 14% ang bilang ng mga focus crimes mula Enero 1 hanggang Oktubre 9, 2025, na may 27,306 kaso kumpara sa 31,878 sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Randulf Tuaño, ang pinakamalaking pagbaba ay naitala sa kasong rape (22%), sinundan ng robbery (17.35%), physical injury (16.42%), at theft (16.21%).

Ang focus crimes ay binubuo ng mga mabibigat na krimen gaya ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, at carnapping ng mga sasakyan at motorsiklo.

Samantala, sinabi ng PNP na walang naitalang insidente ng looting sa Davao Oriental matapos ang magkasunod na lindol sa bayan ng Manay noong Oktubre 10. Mahigit 2,000 pulis ang ipinakalat sa lalawigan upang tiyakin ang katahimikan at seguridad sa mga apektadong lugar. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here