Home NATIONWIDE Lisensya ng bumangga sa menor sa Rizal road rage, habambuhay na binawi...

Lisensya ng bumangga sa menor sa Rizal road rage, habambuhay na binawi ng LTO

306
0

MANILA, Philippines — Permanenteng binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng driver na nambangga sa 15-anyos na motorcycle rider sa Teresa, Rizal.

Ayon kay LTO chief Markus Lacanilao, hindi dumalo sa pagdinig ang driver. “Pareho sila na dapat may sagutin, pero hindi dapat ginawa ‘yun ng driver ng kotse na nambangga sa estudyante,” ani Lacanilao.

“Pwede niyang isuplong o ipahuli, pero hindi ‘yung basta babanggain lang dahil gusto niya o mainit ang ulo niya,” dagdag niya.

Ipinagbawal din ng LTO sa menor de edad na mag-apply ng lisensya sa loob ng isang taon. Sa CCTV video, makikitang kinompronta ng galit na driver ang estudyante at sinabing ito raw ang bumangga sa kanya.

Sinuspinde rin ng LTO ng isang buwan ang lisensya ng ama ng estudyante dahil pinayagan nitong magmaneho ang anak na walang lisensya, walang helmet, at gamit ang motorsiklong walang side mirror. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here